Home
“Darating Din” by Kim Chiu
Album Chinita Princess [2015]
Words By Alemar Neon Constantino Daragosa
Music By Alemar Neon Constantino Daragosa
Ave. Rating: 2.83 (6 votes)

Oh-woh, oh-woh-woh
Oh-woh, oh-woh-woh

Dati-rati pangarap lang sa isipan
Dati-rati ay pasulyap-sulyap lang
Kaytagal ko ring naghihintay
Kaytagal ko ring sumasablay
Ngiti mo ay inaasam
Pansin ko ba'y 'di mo pa alam

Dara-dara-darating din ika'y maging akin
Pa-pa-para-para-parating din ika'y makapiling
Balang araw, isang araw, pana-panahon lang 'yan
Dara-dara-darating din ika'y maging akin

Oh-woh, oh-woh-woh
Oh-woh, oh-woh-woh

Unti-unting bumibilis
Unti-unting nababago
Ang ikot ng mundo
Dinig ang panalangin ko

Biglang ika'y nasa tabi
Yakap-yakap ko at kaylambing
Ngunit naglahong kaybilis
Daig pa ang ihip ng hangin

Dara-dara-darating din pag-ibig na akin
Pa-pa-pa-para-para-parating din ligayang 'di inaasahan
Bumubuhos unti-unti mula sa langit
Dara-dara-darating din panahon para sa 'kin

Ngunit kung kinakailangan
Ako'y narito lamang
At i-bip-bip-bip-bip-bip mo lang
Payakap at ako'y magpapaalam
Nandito lang ako maghihintay sa 'yo

Dara-dara-darating din ika'y maging akin
Pa-pa-para-para-parating din ika'y makapiling
Balang araw, isang araw, pana-panahon lang 'yan
Dara-dara-darating din ika'y maging akin

Dara-dara-darating din pag-ibig na akin
Pa-pa-para-para-parating din ligayang 'di inaasahan
Bumubuhos unti-unti mula sa langit
Dara-dara-darating din
Dara-dara-darating din
Dara-dara-darating din panahon para sa 'kin
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Kim Chiu:
Page Views: 3,606