Home
“Nag-iisa Lang” by Angeline Quinto
Album Higher Love [2013]
Words By Robert Labayen / Jonathan Manalo
Music By Robert Labayen / Jonathan Manalo
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Kung sa habambuhay, isa lang ang sasabihin
Ang pangalan mo ang sasambitin
Kung sa habambuhay, isa lang ang matatanaw
Ang iyong mukha ang pagmamasdan

Kung iisa lang ang aking pangarap
Mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip, ang laging nasa isip

Kung sa habambuhay, isa lang ang tatanganan
Kamay mo lang ang aking hahawakan
Kung sa habambuhay, isa lang ang hahalikan
Labi mo lamang ang tanging asam

Kung iisa lang ang aking pangarap
Mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip, ang laging nasa isip
Nag-iisa lang

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ahh-ahh-ooh-hah

Ikaw ang panaginip, ang laging nasa isip, hoh-woh

Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip, ang laging nasa isip
Nag-iisa lang

Ikaw ang panaginip, ang laging nasa isip
Nag-iisa lang
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 618