Home
“Sa Piling Mo” by Silent Sanctuary
Album Langit. Luha. [2015]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Huwag madismaya; sugal ang buhay
Kasama 'yan sa paglalakbay
Matututo ka ba kung 'di nagkamali
Alam mo ang sagot, 'di ba "hindi"

Mga bagay na bagong haharapin
Kailangan pang hawakan at gawin
Ngunit kahit ano pa man ang dumating
Nandito na ako at dadamay sa 'yo

Mula ngayon, 'di ka na mag-iisa
Huwag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw sa piling mo
Sa piling mo

Kung nais lumipad, 'di babawalan
Hindi magdaramdam, hihintayin ka lang
Kapag inaapi, huwag nang lumaban
Akong mauuna't baka ka masaktan

Mga bagay na ating haharapin
Dal'wa tayo, sabay nating lulutasin
Kaya't kahit anong unos pa'ng darating
Huwag nang mangamba, aalalayan kita

Mula ngayon, 'di ka na mag-iisa
Huwag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw sa piling mo

Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Sa aking piling

Mula ngayon, huwag ka na mag-iisa
Huwag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw

Mula ngayon, kahit pa lumuha ka
Mawala na'ng pag-asa
Alam mo sa'n ako hahanapin
At laging nandiyan sa piling mo
Sa piling mo, oh
Sa piling mo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,985