Home
“Pagsuko” by Jireh Lim
Words By Jireh Lim
Music By Jireh Lim
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Maaari ba muna natin 'tong pag-usapan
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan

Masikip sa damdamin, hinigop ng hangin ang lakas
Pinaghihinaan nang wagas
Puwede bang pag-isipan; huwag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa

Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

Bawat pangarap na ating pinag-usapan
Pupunta na lang ba 'to sa wala
Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali
Sa mga oras na 'to, alam ko ika'y lito

Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na

(Hohh) Kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa (hohh) tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Jireh Lim:
Page Views: 1,490