Home
“Ako'y Tinamaan” by REO Brothers
Album REO Brothers of Tacloban [2015]
Words By Vehnee A. Saturno
Music By Vehnee A. Saturno
Ave. Rating: 3 (19 votes)

Bakit ba nang makilala ka, hindi na makatulog
Sa bawat saglit ay iniisip ka
'Di mapigil ang sarili na hindi ka nakikita
Ano'ng meron ka; meron ka bang gayuma

Sana ay muli kitang makita
Puso ko'y sapol sa 'yong talaga
Ngunit pa'no mo maririnig, pa'no mo mababatid
Ang tinitibok ngayon ng aking dibdib

Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin 'pag iyong nararamdaman

Araw at gabi ako'y nag-aabang sa 'yo't umaasa
Baka sakali na ikaw ay makasabay
'Yon pala'y 'yon na ang sandali na lagi kong hinihintay
Sabi mo pa nga, "Huwag kang papatay-patay"

At ngayon sa 'yo'y nalaman ko na
Pagtingin sa akin ay meron ka
At palagi kong naririnig, lagi mong sinasambit
Pag-ibig mo'y tunay na abot-langit

Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin 'pag iyong nararamdaman

Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal

Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin 'pag iyong nararamdaman

Tunay na lahat ay hahamakin 'pag iyong nararamdaman
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by REO Brothers:
Page Views: 25,182