Home
“Sa Puso Ko” by Truefaith
Album Beyond Doubt [1994] / Memories Are Cheap: The Best of Truefaith 1993-2000 [2000] / Dream Journal: The Very Best of Truefaith 1993-2007 [2007]
Words By Francis Guevarra
Music By Francis Guevarra
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin
O talinong nakamit, ito'y pinipilit
Huwag sumuot sa alanganin

Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi, takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig

(Sa isip ko) Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko) Ay mayroong nagsasabi

Payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
"Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mata"

Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato, labis na pag-ibig
Maski anong panganib
Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi

(Sa isip ko) Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko) Ay mayroong nagsasabi

O Diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal, masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit

(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw lang ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Oh, ikaw lang sa puso ko
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 369