Home
“S2pid Luv” by Salbakuta feat. Nasty-Mac of Block Pro
Album Ayoko ng Ganitong Life... [2001]
Words By Salbakuta
Music By Salbakuta
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nang ma-in love ako sa 'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
Ang 'yong kilay mapagmataas at laging namimintas
Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas

Para kang sphinx, ugali mo'y napaka-sting
Kung hiyain mo 'ko talagang nakaka-shrink
Girlie biddy bye bye, don't tell a lie
Bakit mo ako laging dini-deny

All the goods I've done, wala man lang recognition
Mahilig kang manguleksyon, binalewala aking attention
'Yo, anyway, everyday iba't ibang guys ang 'yong ka-text
And then one time nahuli kita na meron kang sex

Mas gugustuhin ko pa na magpa-crucify
Kaysa harap-harapan mo akong stupify
So don't be mad, so don't be sad
Lahat ng kabulukan mo'y ilalahad

(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you

Buhay ko ay nag-iba simula nang makilala ka
Every hour, every minute, nais kang makita
Halos 'di kumain makausap lang sa phone
Between you and me until the break of dawn

No one else comes close, pangako sa isa't isa
Ngunit napatunayan mo ba nang balikan ka n'ya
Pinagtapat sa akin na siya'y mahal pa rin
Anong magagawa ko kundi ikaw ay palayain

Halos isumpa sa sakit na naidulot
Pero bakit ang katulad mo 'di pa rin malimot
Nagmahal ako ng iba ngunit ako'y bigo
Sa pag-ibig ko sa 'yo ako'y bilanggo

Tumingin sa salamin, naalala ang nakalipas
Masakit palang maging (what) panakip-butas
Pero bago ang lahat ipagtatapat, sinta
Mahal kita, sincerely yours, Bendeatha

(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you

Saan nga ba hahantong ang tagpong ito
Minahal kita pero ako'y ginago mo
And it took so long time bago pa maka-recover
Sa ginawa mo sa 'kin ay meron pa 'kong hangover

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pa
Kasa-kasama ka sa'n man ako magpunta
Pinagsilbihan kita mula ulo hanggang paa
Pati ang bra't panty mo ako ang naglalaba

Kinukunsinti ka kung meron nagawang mali
(Oo na, oo na, sige na, tama ka naman palagi, eh)
Mga inutos mo sa akin 'di ko sinuway
Mas sinusunod na nga kita kesa sa aking nanay

Lahat na lang ng bagay binigay ko sa iyo
Naging sunud-sunuran ako na parang aso
'Pag may kausap kang iba, ako'y dini-deny
Basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay

Damn, napaka-istupido ng puso kong ito
Ano ba ang dahilan at ako ay ginanito mo
Inaway mo ako at iyong itinaboy
At sa ibang boy, nakipaglaro ka ng apoy

Ako'y nananaghoy, puso ko ay nabiyak
Wasak na wasak ang puso ni Nasty-Mac
Inaamin ko noon na minahal nga kita
Pero ngayon, ha-ha, binabawi ko na

(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you

(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you

(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Salbakuta:
Page Views: 675