Home
“Diwa ng Pasko” by Color It Red
Album Himig Pamasko ng Ating Panahon [1990]
Words By Paul Galang
Music By Ani Montaro
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Huwag mong sisihin ang mahirap mong ina
Kung diwa ng Pasko ay 'di maipadama
Darating ang araw, ikaw ay sasaya
Paligid mo ay tiyak na mag-iiba

Halina, Neneng, tawag ka ni Inay
Munting pamasko sa iyo'y ibibigay
Isang pagmamahal ang tangi kong alay

Huwag mong hanapin ang mga bagong damit
Yakapin mo ako sa taglay mong init
Sa araw ng Pasko, kung sila ay masaya
Ngunit Pasko sa atin ay puro dusa

Bakit araw ng Pasko, hubad sa kulay
Pawang pagpapanggap, pagtulong sa mahihirap
Isang pagmamahal ang tangi kong alay

Hmm...

Bakit hubad sa buhay, pagtulong sa kapwa
Taunang seremonya ng mga sagana
'Di ba ang tunay na diwa
Pagtulong sa kapos ng mga sagana, sadyang kaysaya

Itim na mga maskara'y
Dapat nang tanggalin nang makita'ng diwa
'Di ba ang tunay na diwa
Pagtulong sa kapos ng mga sagana

Huwag mong sisihin ang mahirap mong ina
Kung diwa ng Pasko ay 'di maipadama
Darating ang araw, ikaw ay sasaya
Paligid mo ay tiyak na mag-iiba

Halina, Neneng, tawag ka ni Inay
Munting pamasko sa iyo'y ibibigay
Isang pagmamahal ang tangi kong alay
Isang pagmamahal ang tangi kong alay
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 3,738