Home
“Dear Archie” by DJ Alvaro
Album Bagong Babae [1995]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Naglalakad ka noon sa kalye
Nakatanaw ako sa may bintana
Nasulyapan kita't lumingon pa ulit
Hay naku po, natisod ka't biglang nadapa

Agad-agad kang tumayo
Sabay lumingon nga
Habang ako'y
Mamatay-matay sa tawa

Ngunit alam mo, tinamaan ako ni Kupido
Unang tingin ko sa 'yo, nabihag mo ang puso ko
Sabi ko sa sarili ko, "O Diyos ko
Ibigay N'yo sa akin ang binatang ito"

Akala mo siguro, walang nakakita sa 'yo
Agad nagtapat, nagpatuloy nang taas-noo
Kung alam kong ika'y nahilo
Dahil pabalik na ang tinungo

Ngunit alam mo, tinamaan ako ni Kupido
Unang tingin ko sa 'yo, nabihag mo ang puso ko
Sabi ko sa sarili ko, "O Diyos ko
Ibigay N'yo sa akin ang binatang ito"

Alam mo ba na mahal kita
At alam kong 'di nila 'yon kaya
Mahirap yata ang madapa
Lalo na't kung may nakakita

Ngunit alam mo, tinamaan ako ni Kupido
Unang tingin ko sa 'yo, nabihag mo ang puso ko
Sabi ko sa sarili ko, "O Diyos ko
Ibigay N'yo sa akin ang binatang ito"

Ngunit alam mo, tinamaan ako ni Kupido
Unang tingin ko sa 'yo, nabihag mo ang puso ko
Sa gabi'y pinagdarasal ko, "O Diyos ko
Ibigay N'yo sa akin ang binatang ito"

O Diyos ko, ibigay N'yo sa akin ang binatang ito
O Diyos ko, ibigay N'yo sa akin ang binatang ito
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 621