Home
“Payo” by DJ Alvaro
Album Bagong Babae [1995]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsan ay nasabi ng aking lola
Ang buhay kung tingnan ay mahiwaga
Pati na rin ang oras, 'di makuha
At ang umpisa ay tapos na

Lipad nang lipad ang ibong kayganda
Bulaklak na makulay sa mata
Dinggin ang himig ng hanging malamyos
Tingnan ang lupa, sagana sa ating pagod

Saan ka lulugar, kasama ko, sabihin mo
Oras ay tumatakbo, umiikot ang mundo
Ang buhay 'di maghihintay sa 'yo

Bigyan ng daan ang diwa nino man
Pagka't ito'y mula sa hinog na isipan
Sa kinalyong buhat sa lansangan
Sila ay kailangan ring pakinggan

Ipagdiwang ang buhay na daratal
Ito'y likha, isang kababalaghan
At ito'y hindi sa 'yo lamang
Ngunit para sa taong nasa kapaligiran

Saan ka lulugar, kasama ko, sabihin mo
Oras ay tumatakbo, umiikot ang mundo
Ang buhay 'di maghihintay sa 'yo

Saan ka lulugar, kasama ko, sabihin mo
Oras ay tumatakbo, umiikot ang mundo
Ang buhay 'di maghihintay sa 'yo

Saan ka lulugar, kasama ko, sabihin mo
Oras ay tumatakbo, umiikot ang mundo
Ang buhay 'di maghihintay sa 'yo

Saan ka lulugar, kasama ko, sabihin mo
Oras ay tumatakbo, umiikot ang mundo
Ang buhay 'di maghihintay sa 'yo
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,617