Home
“Boyfriend Ko” by DJ Alvaro
Album Bagong Babae [1995]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ano na'ng nangyari sa 'yo
Ba't bigla kang naglaho
Ba't 'di ka na nagpapakita
'Sang linggo na 'kong nag-aalala

Sabi ko lang na 'di magkakatugma
Ang iniskor mong pajama
Mukha mo ay 'di na maipinta
Buong maghapon ay nakasimangot ka

'Yan ang boyfriend ko
Matampuhin masyado
'Di niya lang alam kung paano
Ang tunay na damdamin ko, woh

Noong nakaraang buwang ito
Nagpagupit ka sa barbero
Itinanong ko lamang kung sino
Ang lokong sumabunot sa 'yo

'Di mo na ako kinikibo
Buong maghapong magkasama tayo
Sarili ko ang kausap ko
Para akong tangang nagsolo, woh

'Yan ang boyfriend ko
Matampuhin masyado
'Di niya lang alam kung gaano
Ko kamahal ang loko, woh

Pinansin ko naman minsan
Ang jockey mong polka dot
Nag-suggest akong ba't 'di na lang stripes
Nag-walkout ka't iniwan mo akong nag-iisa

'Yan ang boyfriend ko
Matampuhin masyado
'Di niya lang alam kung gaano
Ko kamahal ang loko

Mahal ko siya kahit 'di magkakatugma
Ang mga jockey niyang pajama
Mahal ko siya kahit na
Out of this world ang porma

'Yan ang boyfriend ko, oh-oh-oh
('Yan ang boyfriend ko) Sakit sa ulo
('Yan ang boyfriend ko) Pero siya ay mahal ko
'Yan ang boyfriend ko

'Yan ang boyfriend ko
'Yan ang boyfriend ko
'Yan ang boyfriend ko
'Yan ang boyfriend ko
'Yan ang boyfriend ko
[Fading]
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,227