Home
“Solb” by DJ Alvaro
Album Bagong Babae [1995]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Cool siya kung magdamit
Dahil laging walang damit
Naka-shades kahit gabi
Long hair, long face, long body

Kung maglakad sa kalye
Halos mabangga ng kotse
Nangangapa kahit sa liwanag
Akala mo'y bulag

Solb na naman si Juan
Nakadapa sa may damuhan
Nakakapit sa may halamanan
Lupa'y hinahalikan

Solb na naman si Juan
Siya daw ay si Batman
Nakipagsuntukan nang sabayan
Ngayo'y gumugulong sa daan

Siya'y may tattoo sa kamay
Sa braso, dibdib at kuwan
Lahat na ng kawalang-hiyaan
Ay ginawa sa katawan

Siya'y may hikaw sa tenga
May hikaw sa ilong
May hikaw sa kilay
May hikaw sa utong

Solb na naman si Juan
Nakadapa sa may damuhan
Nakakapit sa may halamanan
Lupa'y hinahalikan

Solb na naman si Juan
Siya daw si Superman
Kaya't siya'y lumipad
Mula sa third floor bumagsak

Ohh, solb na si Juan
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,595