Home
“Paalam Na” by Dingdong Avanzado
Album Here to Stay [2002]
Words By Dingdong Avanzado / Rachel Alejandro
Music By Dingdong Avanzado / Rachel Alejandro
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nais ko lang malaman mo ang laman ng aking puso
Baka 'di na mabigyan ng ibang pagkakataon na sabihin ito sa 'yo
'Di ko ito ginusto na tayo'y magkalayo
Ngunit 'di magkasundo, damdami'y laging 'di magtagpo

Paalam na, aking mahal, kayhirap sabihin
Paalam na, aking mahal, masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa, puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na pag-ibig ko'y 'di tunay
Dahil sa 'yo lang nadama ang isang pag-ibig na walang kapantay
Ngunit masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan

Paalam na, aking mahal, kayhirap sabihin
Paalam na, aking mahal, masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa, puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Darating sa buhay mo, pag-ibig na laan sa 'yo
At mamahalin ka niya nang higit sa maibibigay ko

Paalam na, aking mahal, kayhirap sabihin
Paalam na, aking mahal, masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa, puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 430