Home
“Makapiling Ka Sana” by Dingdong Avanzado
Album Dingdong Avanzado [1988] / The Best of Dingdong Avanzado [1992] / The Best of Dingdong Avanzado [Re-issue] [2007] / Gold Ito! 2
Words By Vehnee Saturno
Music By Vehnee Saturno
Ave. Rating: 4 (2 votes)

Hindi pa rin nagbabago ang nadaramang ito
Ang 'yong alaala'y ba't 'di naglalaho sa puso't isipan ko
Sa sandaling makita ka, damdamin ay nagtataka
Magpahanggang ngayon ay ikaw pa rin, sinta

At kung mayro'n ka nang iba, patuloy 'di na aasa
Ganyan ang pag-ibig na para sa 'yo, sana ay mapansin mo na
Ang tunay na pagmamahal 'di ba't laging nagtatagal
Kahit kailanpaman nasa puso ko'y ikaw

Pag-ibig ko'y ikaw, walang iba, 'di mo ba nadarama
Ang tawag ng puso ay laging ikaw
Hanap ng mata'y lagi kang matanaw
Makapiling ka sana at makaulayaw

Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,938