Home
“Naghihintay” by Jake Israel feat. Curse One
Album Naghihintay [Single] [2014]
Ave. Rating: 4.33 (6 votes)

Kailan ba makikita ng 'yong mga mata
Kailan ba maririnig sa 'yo na tayo na

Huwag mo akong sisihin
Kung ang lungkot ng aking damdamin
Bakit 'di mo ako subukang suyuin, suyuin

Naghihintay kahit parang walang pag-asa
Handa na maghintay kahit pa mayro'n kang iba
Bahala na, naghihintay ako na ika'y makasama
Kahit na, naghihintay kahit parang wala na

Bakit ba 'di mo buksan ang 'yong mga mata (mata)
Nang ang oras natin ay 'di na masayang pa

Huwag mo akong sisihin
Kung ang lungkot ng aking damdamin
Bakit 'di mo ako subukang suyuin, suyuin

Naghihintay kahit parang walang pag-asa
Handa na maghintay kahit pa mayro'n kang iba
Bahala na, naghihintay ako na ika'y makasama
Kahit na, naghihintay kahit parang wala na

Madilim ang ulap, maginaw ang paligid ko, tila ba may bagyo
Kailangan akong makasilong, 'di ko lang alam kung saan ako tatakbo
Napakalamig mo, napakamanhid mo
Sana'y mabatid mo ang puso ko'y masagip mo

Sa'n ko ba mahahagilap ang salitang pag-ibig
Paano maririnig ang aking tinig kung 'di ka naman nakikinig
Tahimik na dalampasigan, malakas na alon ang humahampas
Sa 'king dibdib, pintig ng puso ko'y wagas

Ngunit palaging balisa ka, hirap mag-isa
Puwede pakisabi mo naman sa akin kung bakit ba 'di mo mamulat ang iyong mata
Napakalayo mo, 'di mo man lang ako maaninagan o matanaw
Napakalabong daanan aking tinatahak, sana'y huwag akong maligaw

Dahil ikaw ang siyang natatanging nagbibigay ng direksyon sa akin
Bakit hindi mo subukang yakapin nang malaman na ikaw ang lahat sa akin
(Naghihintay sa 'yo)
Laging hanap ka

Naghihintay kahit parang walang pag-asa
Handa na (handa na) maghintay kahit pa mayro'n kang iba
Bahala na (bahala na), naghihintay ako na ika'y makasama (ikaw ay makasama)
Kahit na, naghihintay (naghihintay) kahit parang wala na

Huwag mo akong sisihin
Kung biglang sumuko ang damdamin
'Di mo kasi ako pinapansin
Song Trivia
This song is released with a new arrangement of his own song in his debut album "Naghihintay" in 2006 credited under the name Jacob.
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Jake Israel:
Page Views: 6,383