Home
“Bungo sa Bangin” by Oktaves
Album The Oktaves [2012]
Words By E. Buendia
Music By E. Buendia
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sisa, tuwing umuula'y nababalisa
Dasal mo ba'y wala nang bisa
Nag-iisa sa alaala ng pag-asa

Sisa, ano ang dahilan ng pagdurusa
Humihiyaw na parang itim na pusa
At kusang gumagapang tungo sa...

Bangin
Ohh, gagaling ka pa kaya

Sisa (Sisa), ihele ang punit-punit na blusa
At nariyan na ang mga turista't segurista
Amoy gasolina

Oh, balita, hiniwa ng bala ang barikada
Nagkita'ng bayoneta at bituka
Ang martsa tuloy-tuloy patungo sa...

Bangin
Ohh, gagawin ko ang lahat

Mga bata, kay hirap bigkasin ng abakada
Pumila sa labas ng embahada
Disgrasya, nilamon ba ng balyena

Oh, isla, binalot, binagsak at binalasa
Kailan ba matatapos ang kuwaresma
Ang dila nakakadena

Papawirin, mapapawi rin
(Tatawirin) Tatawirin ang bangin
Ang bangin
Ang bangin

Sisa
Sisa
Oh-oh-oh, Sisa
Sisa

Hoo-hoo
Hoo-hoo
Hoo-hoo
Hoo-hoo
Hoo-hoo
Hoo-hoo
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,189