Home
“Akala Ko'y Langit” by Siakol
Album Haymabu [2014]
Ave. Rating: 3.44 (9 votes)

At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Wala nang iisipin
Kahibangan ko'y natapos din

Nasanay na 'kong magulo ang mundo
Nasanay na 'kong malayo sa 'yo
Wala na kahit pa maganda mong alaalang nakakapit
Aalisin ko na rin ang larawan mong nakasabit

At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
'Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok

Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamugamo na sa iyo'y napalapit

Akala ko'y langit (akala ko'y langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Lagi na lang nag-aakala
Dahil sa pagtitiwala

Akala ko'y langit (akala ko'y langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi

Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamugamo na sa iyo'y napalapit

Akala ko'y langit (akala ko'y langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Lagi na lang nag-aakala
Dahil sa pagtitiwala

Akala ko'y langit (akala ko'y langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi

At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Siakol:
Page Views: 33,398