Home
“Mahal Ko o Mahal Ako” by KZ Tandingan
Album Himig Handog P-Pop Love Songs [2014]
Words By Edwin Marollano
Music By Edwin Marollano
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari

Alam mong narito ako lagi para sa iyo
Mahal kita nang labis
Ngunit iba ang iyong nais

At sya'y narito alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig
Nalilito, litung-litung-lito

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok sa puso ko
Oh, anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito, litung-litung-lito
Sino'ng pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Kahit 'di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa 'yo
Ay baka matutunan mo rin na ako'y iyong ibigin

At kung sadyang sya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok sa puso ko
Oh, anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito, litung-litung-lito
Sino'ng pipiliin ko

Ang nais ko ay maranasan ang umibig
At masuklian rin ng pag-ibig

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya ba (o siya ba)
Oh, anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko (isip ba o ang puso ko)
Nalilito, litung-litung-lito, litung-litung-lito
Sino'ng pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by KZ Tandingan:
Page Views: 562