Home
“Kilometro” by Sarah Geronimo
Album Perfectly Imperfect [2014]
Words By Thyro Alfaro / Yumi Lacsamana
Music By Thyro Alfaro / Yumi Lacsamana
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo, layo, layo

Yeah
Ohh
Ohh

Bakit nga ba itong agwat natin pinipilit palawakin
Pero habang merong bumabalakid, ang pag-ibig lumalalim
Tila tala sa tala ang layo at 'di ka na matanaw
Pero 'pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo, layo, layo

Sumasalungat ba'ng daigdig at tayo'y 'di magkasalubong
Oh, dapat na ba 'kong makinig, magpadala na sa daluyong
Inanod, inagos at halos hindi ka na matanaw
Pagtapos mabalot ng galos, sigaw pa rin ay ikaw

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo
(Woh-woh-woh)
(Woh-woh-woh) Kilome-kilome-kilometrong layo, layo, layo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 537