Home
“Diwata” by Abra feat. Chito Miranda
Album Abra [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh)

(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala
'Di makapaniwala na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang mahiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka
Sapagkat ikaw lang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh)

Naaalala ko pa no'ng una kang masilayan
Nanghihinayang, gustung-gusto kita kausapin, makilala
Subalit may kaba kaya nahihiya lang

Sinayang ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delicadeza
Kaysa sa gano'n, baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo; oo, ikaw at ako
Liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo: si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi, kapag nasa paligid
Ay pasimple na ngumingiti, sana kako tamaan

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, woh
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, woh
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh)

(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala
'Di makapaniwala na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang mahiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka
Sapagkat ikaw lang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh)

Hangga't sa nagkakilala muli
At unti-unti kang nakikilala
Muntik pang tumiklop na parang mahakiya, uh
Naglakas-loob, andiyan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pa MRT
Pero 'di ba't sa pag-ibig mas kabit 'pag less than three
Anong sagot, pwede mo kong tanungin
May tanong ako sa 'yo, pwede mo kong sagutin

Sana "oo" na lang din, susubukang abutin
Panaginip lang kita kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak-kamay, baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin, uh

Ikaw ang aking laging nais makapiling
Hindi Maria Clara kun'di Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas, walang wakas
Samahan mo 'ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

No'ng nakita ko siya, 'di makapaniwala
Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako
Teka, bakit ganito, ba't napapa-rap ako
'Di ba sabi ko sa 'yo, huwag mo na akong isama
Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata
Ngayon alam ko na, ba't nasiraan ka ng ulo
Mapapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, woh
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, woh
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh)

(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala
'Di makapaniwala na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang mahiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka
Sapagkat ikaw lang minamahal ko, oh, aking diwata (uh-uh-uh-uh-uh-uh)
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Abra:
Page Views: 3,762