Home
“Liwanag” by Ronnie Liang
Album Songs of Love [2014]
Words By Marlon Diez Barnuevo
Music By Marlon Diez Barnuevo
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Tunay na mahiwaga ang pag-ibig na inalay mo
Nabibighani sa iyong ganda't pagkatao
Ngayon ikaw ay akin
Ako ay bihag ng ligaya mong hatid

Dahil nang makilala ka'y nagbago ang aking mundo
Naniniwala na ang buhay ko'y para sa 'yo
At sinong magsasabi
Na ika'y hindi laan para sa 'kin

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay higpit
Ang tunay kong liwanag

Ang pagmamahalan natin ang s'yang yaman ko
Kahit kanino ay ipaglalaban ko ito
At kahit may humahadlang
'Di mapipigil ang nararamdaman

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay higpit
Ang tunay kong liwanag

Mga mata'y nagniningning
Ikaw ang ligaya
Pagmamahal na kay sigla

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay higpit
Ang tunay kong liwanag

Ika'y aking liwanag
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,316