Home
“Maaasahan Mo” by Rosita Bareng
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. III [2006]
Words By Conrado O. Torres / Joe Vince Z. Quanico
Music By Conrado O. Torres / Joe Vince Z. Quanico
Ave. Rating: 1 (1 votes)

Sa araw na ito, aking mahal
Ay matutupad ating pinapangarap
Ang pag-iisang dibdib nating dal'wa
Na tanging Diyos ang nagtakda

O, kay sarap isipin, aking sinta
Mga alaalang sa atin ay nagdaan
Naro'n ang lambingan at tampuhan
Na naging bahagi ng ating pagmamahalan

Maaasahan mo, sa 'yo lang ang pag-ibig ko
'Di magbabago ang pangako ko sa 'yo
Umulan man at umaraw, ako'y kasama mo
'Di maglalaho ang pag-ibig ko sa 'yo
Maaasahan mo

At sa tuwina'y lagi mong alalahanin
Na habang nabubuhay kita'y iibigin

Maaasahan mo, sa 'yo lang ang pag-ibig ko
'Di magbabago ang pangako ko sa 'yo
Umulan man at umaraw, ako'y kasama mo
'Di maglalaho ang pag-ibig ko sa 'yo
Maaasahan mo

Maaasahan mo, sa 'yo lang ang pag-ibig ko
'Di magbabago ang pangako ko sa 'yo
Umulan man at umaraw, ako'y kasama mo
'Di maglalaho ang pag-ibig ko sa 'yo
Maaasahan mo
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Rosita Bareng:
Page Views: 1,552