Home
“Tanging Ikaw Lamang” by Iya Ginez
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. III [2006]
Words By Markel Cesar A. Luna
Music By Markel Cesar A. Luna
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Parang nasa langit; naging makulay ang mundo
Parang mga awit ang mga tunog sa paligid ko
Nakikinig, naririnig ang tinig ng damdamin ko
Nais isigaw ang pag-ibig ko sa 'yo

Ako ay gumigising sa magandang sikat ng araw
Ika'y aking kapiling sa bawat kilos, sa bawat galaw
Nangingiti at nagwagi sa kapalaran kong natatanaw
Aking nakamit ligayang 'di magugunaw

Tanging ikaw lamang ang nasa puso ko
Natagpuan ko na ang hinahanap ko
Tanging ikaw lamang ang nasa isip ko
Tanging ikaw na nga ang liwanag ng buhay ko

Aking panaginip, aking hiling na natupad
Pag-asang sumisilip ngayo'y nasa aking mga palad
Anong saya ang 'yong dala; walang ibang hinahangad
Dahil sa 'yo, ako'y parang lumilipad

Tanging ikaw lamang ang nasa puso ko
Natagpuan ko na ang hinahanap ko
Tanging ikaw lamang ang nasa isip ko
Tanging ikaw na nga ang liwanag ng buhay ko

Ngayon ko lamang nadama sa buhay ko
Ang galak na dulot ng pag-ibig mo

(Tanging ikaw lamang ang nasa puso ko) Tanging ikaw lamang
Natagpuan ko na ang hinahanap ko
Tanging ikaw lamang ang nasa isip ko
Tanging ikaw na nga ang liwanag ng buhay ko

Ooh-woh mmm
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Iya Ginez:
Page Views: 502