Home
“Wishing Lampara” by Eman Abatayo
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. III [2006]
Words By Mark Eduard de Mesa / Michael Sapico
Music By Mark Eduard de Mesa / Michael Sapico
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Gusto mong maging milyonaryo, 'yong tipong tumama ka sa lotto
Gusto mo ng asawa, 'yong paborito mo pang artista
Gustong magka-medalya nang 'di pumapasok sa eskuwela
'Tol, asa ka pa kay Genie na nasa wishing lampara

Si Tatay mo doktor, si Nanay mo abogado
Pero bakit gano'n, gusto mong maging superhero
Simple lang ng gusto mo kaso may problema
Saan ba makakita ng wishing lampara

Wishing lampara, wishing lampara
Saan ba makakita ng wishing lampara
Wishing lampara, wishing lampara
'Tol, maghihintay ka pa ng wishing lampara

Walong taon na sa college, daig mo pa doctoral
'Di masagutan kahit ang basic Integral
Tinakwil ka na sa campus, ilang batch na nagdaan
'Di naman pumapasok puro lang kalokohan

Kung wishing lampara ang 'yong hinihintay
Wala ka, kapatid; kelan pa sasakay
Sa biyahe ng buhay, maiiwan ka na
Ipapakilo mo na lang ang wishing lampara

Wishing lampara, wishing lampara
Saan ba makakita ng wishing lampara
Wishing lampara, wishing lampara
'Tol, maghihintay ka pa ng wishing lampara

(Wishing lampara)
(Wishing lampara)

Ang kinabukasan ay nasa palad mo
Wala sa simpleng bakal o nalulunok na bato
Ang 'yong pananaw, kapatid, ay baguhin mo
Gawing posible ang pangarap na dapat para sa 'yo

Wishing lampara, wishing lampara (oh-woh)
Saan ba makakita ng wishing lampara (mag-wish ka na)
Wishing lampara, wishing lampara (oh-woh)
'Tol, maghihintay ka pa ng wishing lampara (maghihintay ka lang)

Wishing lampara, wishing lampara (oh-woh)
Saan ba makakita ng wishing lampara (mag-wish ka na)
Wishing lampara, wishing lampara
'Tol, maghihintay ka pa ng wishing lampara
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eman Abatayo:
Page Views: 1,298