Home
“Ex-Bestfriend [Tagalog Version]” by Arron Villaflor feat. 1DELACREW
Words By Jason Paul Laxamana
Music By Caylene Paras / ParaKnowYaH!
Ave. Rating: 3.5 (6 votes)

Bakit, ba't ka nananahimik
Ba't ba nagkagan'to
Nagbago na tayo, 'di tulad ng dati

Na may pagmamalasakit
Kaibigan kong matalik
Nariyan tayo para sa isa at isa

Sana hindi na lang kita niligawan pa
Nang 'di na lang nasira
Nag-iba ang pagkakaibigan nating dal'wa

Ahh, o, sana nga
Hindi na lang

Noon, hindi mo dinidibdib
Ang aking sinasambit
Tungkol sa iyo dahil prangka ako
Para mo na akong kapatid
Walang sundo, walang hatid
Tinatawag ka pang pangit ngunit
Hindi naman masakit sa iyo

O, bakit
Hah, subalit ngayong ganito
Bakit away doon, bakit away dito
'Di naman ganoon no'ng hindi pa tayo
Kahit maliliit na bagay, pilit pinapalaki
Sana'y mabalik na lang sa dati
Dahil ako ay nagsisisi

Sana hindi mo na ako sinagot pa
Nang 'di na lang nawala
Humupa ang pagkakaibigan nating dal'wa

Ahh, o, sana nga
Hindi na lang

Dati hindi ka nababahala
Humalakhak ka man o magdrama
Nagkatuluyan, nagkahiyaan bigla
Pakisabi kung bakit

Sana hindi na lang kita niligawan pa
Nang 'di na lang nasira
Nag-iba ang pagkakaibigan natin

Sana hindi mo na ako sinagot pa
Nang 'di na lang nawala
Humupa ang pagkakaibigan nating dal'wa

Ahh, o, sana nga
'Di na lang, 'di na lang
Hindi na lang
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Arron Villaflor:
Page Views: 821