Home
“Luningning” by Jaco Benin
Album Ako Naman [CD Lite] [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Isang umaga, nakita kang naglalakad sa may kalsada
Dala-dala, karga-karga ang iyong maleta
Bakit nga ba; ano'ng problema, hah

'Di mo sinabi kung saan ka pupunta
Biglang pumara ng bus patungong Maynila
Ako'y lumuha habang hinahabol kita
'Di ko kinaya dahil ako'y naka-paa

Luningning, buong araw kay dilim kung wala ka sa 'kin
(Hanap-hanap kita 'pag ika'y wala)
Parang guguho ang mundo; bumalik ka, giliw
Luningning

Tao'y lumipas; nagpagupit, nagpa-ahit sa may barberya
Humahango si Mang Gusting, may dalang balita
Do'n sa Maynila, siya'y may nakita, hah

Do'n sa Malate, nakita niya si Luningning na mahal sa akin (na mahal sa akin)
Siya'y may kasama nang iba na mukhang turista (na mukhang turista)
Luha'y gumilid sa mata dahil ako ay ipinagpalit niya sa iba

Luningning, buong araw kay dilim kung wala ka sa 'kin
(Hanap-hanap kita 'pag ika'y wala)
Parang guguho ang mundo; bumalik ka, giliw
Luningning

Luningning, saan ang pangako mo noon sa akin
(Hanap-hanap kita 'pag ika'y wala)
Paukit-ukit ka pa diyan sa puno ng saging ng pangalan natin

Luningning (Luningning)
(Hanap-hanap kita 'pag ika'y wala)
Luningning (Luningning)
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Jaco Benin:
Page Views: 1,423