Home
“Panaginip” by Noel Cabangon
Album Panaginip [2011]
Words By Noel Cabangon
Music By Noel Cabangon
Ave. Rating: 3.8 (15 votes)

Meron akong
Isang magandang panaginip
At sana'y dumating

Isang umaga
Na wala nang mga problema
Ang paligid ay kaysigla

Walang pangambang nadarama
At paglabas mo sa kalsada
Ay ngiti ang 'yong makikita sa bawat mukha

Darating din ang araw
Sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit
Maghihilom ang mga sakit
Hangga't ating mga paa'y
Patuloy na nakasayad sa lupa

Meron akong
Isang magandang panaginip
At sana'y maganap

Isang bukas
Na lubos ang pag-asa
Ang mundo ay mapayapa

Bawat bansa'y may pag-unawa't
Mawawala ang poot at galit
Mananaig sa puso at isip ang pag-ibig

Darating din ang araw
Sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit
Maghihilom ang mga sakit
Hangga't ating mga paa'y
Patuloy na nakasayad sa lupa

At paglabas mo sa kalsada
Ay ngiti ang 'yong makikita
Mawawala'ng poot at galit
Mananaig sa puso at isip ang pag-ibig

Darating din ang araw
Sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit
Maghihilom ang mga sakit

Darating din ang araw
Sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit
Mawawala'ng poot at galit

Darating din ang araw
Sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit
Mananaig ang pag-ibig
Hangga't ating mga paa'y
Patuloy na nakasayad sa lupa
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Noel Cabangon:
Page Views: 9,002