Home
“Kahit 'Di Mo Sabihin” by Juris
Album Forevermore [2011]
Words By Jonathan Manalo
Music By Jonathan Manalo
Ave. Rating: 4.5 (2 votes)

Kahit 'di mo sabihin
Aking napapansin
'Di na kita pipilitin
Dahil 'di mo naman aaminin

Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo
Tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
'Di ko alam bakit nagkagan'to

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa

Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na, 'di ko kayang mag-isa, ahh

Kahit 'di mo sabihin
Damang-dama pa rin

Wala na ang kislap ng 'yong mata
Tuwing ikaw ay kasama
Wala na ang dating saya
Yakap mo'y kay lamig na
Dating sigla sana'y magbalik pa

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Paano na, 'pagkat hindi ko kaya
Ayaw ko nang masaktan
Paanong pipigila'ng nararamdaman

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa

Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na, 'di ko kayang mag-isa
Paano na, 'di ko kayang mag-isa
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,253