Home
“Kulang Ako Kung Wala Ka” by Erik Santos
Album Awit Para Sa'yo [2011]
Ave. Rating: 4.25 (4 votes)

Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala 'pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka ngunit 'di magawa
Sa bawat kong galaw ay laging hanap ka

Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga sa isang katulad ko
Bakit nga ba 'di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na

Kulang ako kung wala ka
'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
'Di ko kayang mag-isa; puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking daigdig
Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko'y wala kang kapalit

Kulang ako kung wala ka
'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
'Di ko kayang mag-isa; puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka, oh-hoh

Kulang ako kung wala ka
'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
'Di ko kayang mag-isa; puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka
Kulang ako, kulang ako kung wala ka
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,213