Home
“Lihim” by Kiss Jane
Album Free [2010]
Words By Jonathan Ong
Music By Jonathan Ong
Ave. Rating: 2 (2 votes)

Pakinggan ang mga huni
Damhin ang hangin sa iyong pisngi
Dumadampi (dumadampi), o kay lamig (o kay lamig)

Lalo na't ikaw ang katabi
Nabigyan ng kulay ang gabi
Liwanag (liwanag) sa dilim (sa dilim)

Minsan pang ako'y umasa
Na ikaw ay makasama
Makapiling, mapa-ibig
Eh, ngayon sa iyong tingin
Tila bituing nagniningning
Nang-aakit, nagsasabing

Kay tagal nang hinintay
Ang sandaling ito na nagtataglay
Ng lihim na bukal at mahiwaga
Lihim na hindi mapagkaila
Nababasa ko sa 'yong mga mata
Heto na

Lapit na; banayad ang hangin
Mga haplos mo ay inaangkin
Ang damdamin (ang damdamin), dumarating (dumarating)

Minsan pang ako'y umasa
Na ikaw ay makasama
Makapiling, mapa-ibig
Eh, ngayon sa iyong tingin
Tila bituing nagniningning
Nang-aakit, nagsasabing

Kay tagal nang hinintay
Ang sandaling ito na nagtataglay
Ng lihim na bukal at mahiwaga
Lihim na hindi mapagkaila
Nababasa ko sa 'yong mga mata
Heto na

Noo'y takot aminin
Baka kung ano'ng sabihin mo
Pero heto sa gabing ito
Wala nang duda (duda), hah-ahh (hah-ahh)

Kay tagal nang hinintay
Ang sandaling ito na nagtataglay
Ng lihim na bukal at mahiwaga
Lihim na hindi mapagkaila
Nababasa ko sa 'yong mga mata
Heto na
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Kiss Jane:
Page Views: 450