Home
“Selosa” by Maldita
Album Maldita [2010]
Words By Whey Guevara
Music By Whey Guevara
Ave. Rating: 3.79 (39 votes)

Sa'n ang punta mo
Ba't natataranta
Sobrang bango mo
Ako'y nagdududa

Kung 'di aaminin
Ika'y aking pipilitin
Huwag mong isipin
Ito'y palalagpasin

Dapat listo ka
Kung kasama mo siya
Huwag mataranta
Kung ako'y sisipot bigla

Sakalin ko siya kung mahuli kita
Huwag kang magtaka kung suntukin ko siya
Makinig ka sa akin
Huwag mo akong inisin
Selosa ako

Yakapin mo ako
'Pag kasama kita
Halikan mo 'ko
Nang malaman nila

Na ako'y iyong nobya
Walang pwedeng pumorma
Kahit sinong artista
Tatamaan sila

Anong oras na
Overtime na naman ba
Sumosobra na
Anong palusot na naman ba

Sakalin ko siya kung mahuli kita
Huwag kang magtaka kung suntukin ko siya
Makinig ka sa akin
Huwag mo akong inisin

(Du du du...)

O pasensya na
Mahal lang talaga kita
Ayaw ko lang na
Mapunta ka pa sa iba

Sakalin ko siya kung mahuli kita
Huwag kang magtaka kung suntukin ko siya
Makinig ka sa akin
Huwag mo akong inisin
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,956