Home
“Bakit Ba?” by Siakol
Album Tayo Na sa Paraiso [1996] / The Best of Siakol, Vol. 1 [2008]
Words By Noel Palomo
Music By Siakol
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama
Mas okey pang laging gan'to nalilimutan ka
Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko

Tandang tanda ko pa noong tayo'y namamasiyal
Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba; sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita; kahit ano kinakaya
Wala pa ring kuwenta, bakit ba

Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo ko
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo
Sana ay mahalin ka n'ya at huwag kang sasaktan
Kahit 'di na tayo, problema mo'y sabihin lang

Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Nagbabaka-sakali na muli kang dumating
Bakit ba kayhirap ng kalagayan ko ngayon
Kaya't sa aking sarili ay laging nagtatanong

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba; sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita; kahit ano kinakaya
Wala pa ring kuwenta, bakit ba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba; sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita; kahit ano kinakaya
Wala pa ring kuwenta

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba; sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita; kahit ano kinakaya
Wala pa ring kuwenta, bakit ba
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 597