Home
“Kasalanan” by 6cyclemind feat. Gloc-9 & Wendell Garcia of Pupil
Album Project 6cyclemind [2009]
Ave. Rating: 3 (2 votes)

INTRO


Maari bang makausap ka
'Di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay
Mula nang ika'y matauhan


CHORUS
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


INTERLUDE


Maari bang mapigilan pa
Ang 'yong 'di maaming binabalak
Nakalimutan mo na ang pagsasama
'Di na ba kayang mapagbigyan


[Repeat CHORUS]


[Gloc-9]
Patawad ay isang salitang animo'y isang parusa
Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
At 'di na maibabalik ang dating pinagsamahan
Parang putik sa mukha na pinahid nang pabalang

Sa 'yo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siya'y bigay nang bigay at ipinauubaya
Lahat ng makakabuti kahit na panghuling butil
Ay iaabot sa 'yo parang ika'y isang inutil

Na hindi nag-iisip, wala kang nararamdaman
Subukan mang pumikit, wala kang natatandaan
Lagi mong inaalala ang para lamang sa 'yo
Walang iba kundi ikaw at kailanma'y walang kayo

Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Ika'y sasaktan, sumisigaw ng salitang pumupunit
Kaysa pilit mong kausapin ang 'di na sasagot
Akapin man nang mahigpit ay 'di mo na maabot, patawad


BRIDGE
'Di na mauulit
'Di na uulitin
Sana'y tanggapin mo


[Repeat CHORUS]


[Repeat CHORUS twice underneath Gloc-9's rap]
Tayo'y nagtalo, nagsigawan at halos magtulakan
Sa galit ko, ako'y lumayas at 'di ka binalikan
Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isa't isa 'di rin nagtagal

Ang gabi ay aking umaga, umaga'y aking gabi
Ako'y gumigising hindi ko kilala ang katabi
Paulit-ulit na ganito ngunit nang aking makita
Larawan mo sa loob ng aking lumang pitaka

Ay nalaman ko, hinanap ko ang tunay na sarili ko
Nakita ko, nalaman ko, ito ay nasa piling mo
Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob
Ngunit bakit parang 'di maganda ang aking kutob

Nilapitan ka at pilit na tinitingnan sa mata
Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa 'king pwede pa
At siya'y hindi kumikibo at parang lumalayo
Tila pag-ibig mo sa aki'y tuluyan nang natuyo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,131